Philippine Dermatological Society

[et_pb_section admin_label=”section” transparent_background=”on” allow_player_pause=”off” inner_shadow=”off” parallax=”off” parallax_method=”off” custom_padding=”40px||40px|” padding_mobile=”off” make_fullwidth=”off” use_custom_width=”off” width_unit=”on” make_equal=”off” use_custom_gutter=”off”][et_pb_row admin_label=”row” make_fullwidth=”off” use_custom_width=”off” width_unit=”on” use_custom_gutter=”off” custom_padding=”0px|0px|0px|0px” padding_mobile=”off” allow_player_pause=”off” parallax=”off” parallax_method=”off” make_equal=”off” column_padding_mobile=”on”][et_pb_column type=”4_4″][et_pb_text admin_label=”Text” background_layout=”light” text_orientation=”left” use_border_color=”off” border_color=”#ffffff” border_style=”solid”]

The Dermauthorities and Philhealth
Mula sa panulat ni Dr. Wilsie Salas-Walinsundin, DPDS

Nagtipon-tipon ang dalawampu’t apat na kasapi ng Philippine Dermatological Society PHILHEATH TEAM sa isang mahalagang pagpupulong, sa pangunguna nina Dr. Ma. Angela M. Lavadia, Pangulo ng PDS at Dr. Ma. Luisa T. Puyat, kinatawan ng PDS sa Philhealth. Sa tulong ng GSK, ito ay ginanap noong ika-20 ng Hulyo 2018 sa Alex III, San Juan, Greenhills. Bakit kailangang bisitahin at repasuhin ang Philhealth disease and procedure case rate coverage for dermatology? Sa tinagal-tagal ng panahon, nangangailangan na nang mga naaakmang pagbabago sa revised value scale ( RVS) patungkol sa mga Philhealth accredited dermatological procedures. Magkakaroon tayo ng mas pinahusay na pamantayan ng bayaran sa mga isasagawang dermatologic procedure at sa mga sakit sa balat na gagamutin.

Ang walumpung pahinang procedure case rates ay pinaghati-hati sa mga kasapi. Kinilatis ang halaga ng bawa’t isang dermatologic procedure batay sa gamit na anesthesia at mga materyales, sa tagal ng paggawa at antas ng kasalimuutan ng proseso. Sa pagbibigay halaga sa mga karaniwan at di-karaniwang ginagawa ng isang dermatologist, may mga inalis din ang pangkat sa listahan tulad ng pagtatanggal ng verruca plana, sa kadahilanang ito ay nahihilig sa pang-aabuso ng paniningil.

Sa loob ng halos limang oras, matiyagang tinapos ng pangkat ang mahirap na tungkuling ito. Inipon ni Dr. Puyat ang lahat ng mga panukala at sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo, ang mga mungkahing pagbabago ng PDS ay idudulog niya sa Philhealth, kasama ng iba pang mga specialty societies.

Makikita ang ilang mga kasapi ng PDS Philheath Team sa mga sumusunod na larawan:

Kasama ni Dr. Ma. Angela Lavadia sina Drs. Charlene Ang-Tiu, Teresita Ferrariz, Carla Perlas at Wilsie Walinsundin
Ilan sa mga PDS Philhealth Team: Drs. Lyra Tumalad, Martha Tapales, Alma Gaye Amado, Ma. Angela Lavadia, Allan Alejo, Gaile Robredo at Ana Aureli Santos.
Drs. Pilar Leuenberger, Luisa Puyat, Jonathan Dizon at Ma. Angela Lavadia
Kasama din ni Dr. Lavadia sina Drs. Deanna Ramiscal, Cecilia Rosete (Kalihim ng PDS), Jay Nunez at Cristina Puyat.

[/et_pb_text][/et_pb_column][/et_pb_row][/et_pb_section]